KALIBO, Aklan - Nagtangkang magpakamatay sa paglalaslas ng pulso ang isang babaeng Taiwanese na nakapiit sa Aklan.

Ayon kay Teddy Esto, jail warden ng Aklan Rehabilitation Center, masuwerteng agad na napansin ng mga kasama ng dayuhan ang tangkang pagpapakamatay nito kaya nadala ito sa ospital at ligtas na sa ngayon.

Posible umanong nalungkot ang bilanggo, na nagsilang sa selda noong Setyembre 2014. Kinuha ng asawa ng bilanggo ang sanggol at iniuwi sa Taiwan.

Marso 2014 nang nakulong ang dayuhan dahil sa ilegal na droga.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm