Pinag-iingat ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Hong Kong ang mga biyaherong Pinoy at kababayang naninirahan sa lungsod kaugnay sa pagkalat ng influenza roon.

Noong Pebrero 5, sinabi ng Hong Kong’s Centre for Health Protection na may 118 namatay at 187 ng malubhang kaso ang naitala ngayong taon.

“Influenza (flu) is an acute illness of the respiratory tract caused by influenza viruses. It is usually more common in periods from January to March and from July to August in Hong Kong,” pahayag ng HK Centre for Health Protection.

Sa tatlong uri ng influenza virus, ang A, B, at C, ang Influenza A (H1N1) virus ang isa sa seasonal influenza strains sa Hong Kong. “The winter’s dominant virus strain is a mutated variant of H3N2,” batay pa dito.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Patuloy na minomonitor ng Konsulado ang anumang pagbabago at pinapayuhan ang mga kababayan sa Hong Kong na bumisita sa www.chp.gov.hk o tumawag sa 2125-1111.