Bianca Gonzales

MATINDING rebelasyon ang pinakawalan ni Bianca Gonzales-Intal sa kanyang manager na si Boy Abunda sa kanilang one-on-one sa The Bottomline na ipinalabas nitong Sabado ng gabi.

Inamin niya na kaya siya “rebellious” noong high school siya dahil sa kanyang naging karanasan sa isang naging boyfriend niya.

“May bad boy akong boyfriend noon in high school,” pagtatapat ni Bianca.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nakaranas siya ng pisikal at verbal na pang-aabuso ng kanyang nakarelasyon.

“Naalala ko yu’ng unang-unang beses was itinulak ako ‘tapos nahulog ako sa ground. ‘Tapos hindi ako makagalaw kasi hindi ako makapaniwala that just happened.”

Dala ng kabataan, akala niya’y katapusan na ng mundo ang break-up, kaya kahit sinasaktan siya ng ex-bf, ilang ulit pa rin siyang pumayag na makipagbalikan. Tipong Maging Sino Ka Man ang peg at theme song.

Marunong daw kasing mambola ang lalaki kaya napapaniwala siya sa mga sinasabi nito.

“Meron silang way na pagkatapos kang masaktan, magso-sorry sila in a super-malambing way na mapi-feel mo na, oo nga, ginawa lang niya ito kasi mahal niya ako. Ang mangyayari, lagi siyang nakikipag-break sa akin, ‘tapos ako naman ‘yung ‘ayusin na natin’,” pagbabalik-tanaw pa ni Bianca.

Pero dumating ang puntong nauntog na rin sa wakas si Bianca at na-realize ang ‘di makatarungang pananakit at pagsasalita sa kanya ng ex-bf. ‘Yun ‘yung time na kahit suyuin pa siya ay ayaw na talaga niyang makipagbalikan uli.

“Naalala ko may one fight kami na nakipag-break siya ‘tapos sabi ko, ‘okay’. ‘Tapos nagulat siya na hindi ko na gustong ayusin. Super cut communication, kasi that relationship was tago. Apparently, my mother senses that so whenever he would go to the house, ayaw talaga ng mom ko,” kuwento pa niya.

Kaya lang ang akala niyang ‘di na siya gagambalain dahil tapos na sila ng ex-bf, may kabuntot pa palang eksena. Na ikinagulat niya.

“Suddenly, one year after, kumatok siya ng bahay. He came just to say sorry sadly because ‘yung younger sister niya, umuwi sa bahay, umiiyak dahil tinamaan ng boyfriend. Doon niya na-realize na mali siya.”

Ganu’n naman ang reyalidad ng buhay, na puwede mo nang ikuwento at pagtawanan ang masasaklap na naganap sa buhay once na naka-move-on ka na.