Naglabas ng resolusyon ang Governing Board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagpapanatili sa total ban ng pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa tatlong bansa na apektado ng Ebola virus disease, ngunit mayroon itong exemption, ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Sinabi ni Baldoz, chairman ng Governing Board, ang paglalabas ng Resolution No. 1 Series of 2015, ay ibinatay sa liham ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inirekomenda ang 21-araw na mandatory quarantine para sa mga bumabalik na OFWs mula sa West African countries ng Guinea, Liberia, at Sierra Leone at pagpapanatili ng Alert Level 3 status para sa nabanggit na mga bansa.

“In the same letter, the DFA recommended the stay of the ban, but allowing the return to Guinea, Liberia, and Sierra Leone of Filipinos working for UN-related organizations, or international non-government/civil society organizations, provided they execute a statement that they are returning to these countries against government advice,” pahayag ni Baldoz.

Idinagdag pa ng kalihim na kailangan mangako ang mga employer na babalikatin ang pagpapagamot at pagpapabalik sa mga Pilipino sakaling mahawaan ang mga ito.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists