Mga laro sa Biyernes: (FilOil Flying V Arena)

2 p.m. – NU vs. ADMU (jrs. finals)

Nakapuwersa ng championships rematch ang defending champion National University (NU), sa pangunguna ni Justine Baltazar, nang kanilang patalsikin ang La Salle-Zobel, 61-45, sa UAAP Season 77 juniors basketball stepladder semifinals sa Blue Eagle Gym.

Dahil sa panalo, nakamit ng back-to-back seeking Bullpups na makaharap ang una nang finalist na Ateneo de Manila University (ADMU) na nagtataglay ng thrice-to-beat advantage na magsisimula sa Biyernes sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang umusad ang Ateneo sa kampeonato nang makumpleto nila ang malinis na 14 na panalo sa nakaraang eliminations.

Ginamit ni Baltazar ang kanyang laki para giyahan ang Bullpups sa pag-iskor ng 11 sunod na puntos sa unang 7 minuto ng laro kung saan ay hindi na muli pang lumingon ang koponan para angkinin ang tagumpay.

Tumapos ang 6-foot-6 na si Baltazar na mayroong 13 puntos at 11 rebounds, kasunod ng top scorer na si John Clemente na mayroong 14 puntos.

Nag-ambag naman ang forward na si Mark Dyke ng 9 puntos at game-high na 13 boards.

Hangad ng Bullpups na mawalis ang lahat ng titulo sa basketball sa men’s at women’s team na naitala na ng University of Santo Tomas (UST) noong 1994 nang angkinin nila ang lahat ng tatlong titulo sa basketball sa UAAP.