Nahaharap sa reklamong graft and corruption si Marinduque Governor Carmencita O. Reyes sa Office of the Ombudsman (OMB) dahil sa umano’y sa pagkakatengga ng konstruksiyon ng airport runway sa bayan ng Gasan.

Sa paghahain ng kanilang joint criminal complaint, hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at dating Marinduque Board Member Melecio Go na agad ilagay si Reyes sa ilalim ng preventive suspension upang makumpleto na ang pagsesemento sa nasabing runway upang makalapag na ang malalaking eroplano at makapagdala ng mas maraming turista.

Nakasaad sa reklamo na naigawad ng Department of Transportation and Communciation (DOTC) noong 2013 ang pagsesemento ng asphalt runway sa tatlong contractor, kabilang ang Sargasso Construction na pag-aari ni Go.

Natapos na ng dalawang contractors ang kani-kanilang trabaho, ngunit hindi nakumpleto ng Sargasso ang pagsesemento sa 147-metrong bahagi ng runway na nagkakahalaga ng P8-milyon dahil tumangging magbigay ng permit si Reyes upang makakuha at maproseso ang mga bato at buhangin.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kasama ring inireklamo si Marinduque Vice Governor Romulo Bacarro, Jr., Norma Recohermoso ng Sanggunian Panglalawigan (SP) committee on environment and transportation, Harold Red ng SP committee on public works, mga abogadong sina Miguel Ongsiako at Fe Garcia ng Office of the Governorm at iba pang provincial members ng mining regulatory board.

Ang mga inirereklamo ay inaakusahan din ng paglabag sa Conde of Conduct of Ethical Standards for Public Officials (RA 6713).

Sinabi ni VACC chairman Dante Jimenez na ang kanyang grupo at si Go ay nahimok na ihain ang grupo ng panawagan ni Pope Francis na “to reject every form of corruption which diverts resources from the poor.”