Enrique at Liza

DUMATING sa bansa galing ng San Francisco, USA ang kaklase namin noong hayskul at gusto raw niyang pumunta sa Sitio La Presa na kinukunan sa location sa Tuba, La Trinidad, Benguet at napapanood sa Forevermore dahil sobrang gusto niya si Enrique Gil.

Sinusubaybayan niya ang Forevermore sa Amerika kaya naman nang bigyan siya ng clearance ng doktor niya na puwede siyang bumiyahe pauwi ng Pilipinas ay ipinangako niya sa kanyang sarili na pupuntahan niya si Enrique at magpapa-picture sa Sitio La Presa.

At talagang kinukulit kami kung totoong nililigawan ni Qen (Enrique) si Liza Soberano kasi ito raw ang kalat na kalat sa Amerika.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Inamin namin na type ni Enrique ni Liza pero bawal pa niyang ligawan ang dalagita dahil menor de edad pa bukod pa sa pangakong career muna ang uunahin ng batang aktres sa manager niyang si Ogie Diaz.

(Editor’s note: Nakasaad sa 10-year managerial contract nina Liza at Ogie na hindi magkakaroon ng boyfriend ang dalagita sa buong panahon iyon. Twenty three years old matatapos ang kontrata nilang dalawa.)

“Oo nga, masyadong bata pa si Liza, saka na muna siya mag-boyfriend, magpayaman muna siya nang husto at habang mainit siya, samantalahin niya,” sabi rin ng kaklase namin.

At natawa kami sa hirit sa amin, “Si Enrique ang type ko.”

Nabanggit din ng friend namin na sobrang patok ang Forevermore sa Sanfo, ito ang pinanonood ng Filipino community roon at nadadamay na rin pati ang mga

kasamang puti sa bahay.

Heto na ang ending ng usapan namin ng kaklase ko, Bossing DMB, samahan ko raw siya sa Sitio La Presa Benguet isa sa mga araw na ito para personal niyang makilala si Enrique

Hindi ba puwedeng sa ASAP 20 anniversary na lang? Kailan ba magi-guest ang Forevermore stars sa nasabing programa tutal naman anibersaryo nila.