PARIS (AP) — Inaasahan na ang “relatively swift” na pagbangon sa presyo ng langis kasunod ng pagbagsak nito sa $50 kada bariles, ngunit hindi ito magbabalik sa napakataas na presyo sa mga nakalipas na taon, taya ng International Energy Agency noong Martes.

Sa isang ulat, sinabi ng Paris-based organization ng 29 major oil-importing nations na ang rebound nitong mga nakalipas na araw sa presyo ng langis “will be comparatively limited in scope, with prices stabilizing at levels higher than recent lows but substantially below the highs of the last three years.”

Ang US benchmark oil contract ay bumagsak mula sa $110 kada bariles noong nakaraang tag-araw sa $45 ngayong taon bago bumangon sa halos $53 nitong mga nakalipas na araw.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte