Pinaaaksyunan ng Philippine Business for Education (PBEd) sa Commission on Higher Education (CHEd) at Professional Regulatory Commission (PRC) ang patuloy na pagbaba sa kalidad ng mga guro bunsod ng paghina sa serbisyo ng teacher education institutions (TEI).

Sa press conference, inilahad ni Mr. Chito Salazar, pangulo ng PBEd, ang resulta ng kanilang pagsusuri o pag-aaral, batay sa nakalap nilang datos, na kalahati ng 1,200 TEI ay maliit ang bilang ng graduates na pumapasa sa licensure examination for teachers (LET) noong 2009 hanggang 2013.

Dahil dito, ayon kay Salazar, dapat isapubliko ng CHEd at PRC ang listahan ng mga TEI na may nakadidismayang performance ng graduates sa LET, upang magsilbing gabay ng mga magulang sa pagdesisyon kung saan nila pag-aralin ang kanilang anak lalo sa pagiging guro.

“They (PRC and CHEd) should let the public of the history of these low performing schools so that parents could make a wise decision or be warned not to enroll their children in these institutions,” pahayag ni Salazar. “Right decision is made with right information.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinabatid ni Salazar na isang manifesto ang nilagdaan ng iba’t ibang grupo ng higher education institution na hiniling na ilathala ang rating ng mga TEI lalo ng poor performers, ilabas ang LET questions ng Board of Professional Teachers, pagbabago sa LET application form, pagpapatupad sa three-strike rule sa LET at obligahin ang mga hindi pumasa na sumailalim sa refresher course.

Sinabi pa ni Salazar na nakatutok sila sa pagpapaangat sa kalidad ng mga guro dahil nakasalalay sa kamay ng mga ito ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Napag-alaman karamihan sa poor performing TEI, kasama ang pribado, ay makikita sa magugulong rehiyon tulad ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Idinagdag ni Salazar na hindi nila layunin na ipasara ang poor performing TEI kundi nais nilang magawan ito ng paraan para sa ikabubuti ng edukasyon system sa bansa.