Isang British, na wanted sa United Kingdom dahil sa pagpupuslit ng £13 million halaga ng ilegal na body building supplement, ang unang masasampolan sa extradition treaty na nilagdaan ng UK at Pilipinas noong 2014.

Naaresto si John Halliday, 30, ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) malapit sa UK Embassy sa McKinley Hills, Taguig City nitong nakaraang linggo, at nakatakda nang ipatapon pabalik sa kanyang bansa na roon siya nasentensiyahan na makulong nang 10 taon sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na supplemental drug.

Sinabi ni NBI Foreign Liaison Division chief Daniel Daganzo na mahigit nang isang taong nagtatago si Halliday sa Pilipinas at nagpapatuloy umano ang ilegal na operasyon nito ng droga.

Ang pagkakaaresto kay Halliday ay bunsod ng kahilingan ni UK Judicial Cooperation Extradition Section Executive Officer Anna Tamba noong Hunyo 26, 2014 na maibalik sa kanilang bansa ang wanted na British base sa umiiral na PH-UK extradition treaty na nilagdaan noong Marso 2014, ayon kay Daganzo.

National

VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Base sa impormasyon mula kay Detective Constable Jon Greenwood ng West Yorkshire Police, nagtungo si Halliday sa Pilipinas noong Setyembre 2013.

Ayon sa UK authorities, si Halliday ang responsable sa pagpupuslit ng daang-kilo ng Class B drugs na nagkakahalaga ng £13 million.

Binansagang “legal highs” sa UK, ang ilegal na body building supplement ay nagmula umano sa China at India.