ANG Dream Dad ni Zanjoe Marudo kasama sina Jana ‘Baby’ Agoncillo at Beauty Gonzales ang isa sa mga nabanggit sa amin ng kaklase namin noong hayskul na pinapanood sa San Francisco, USA dahil cute na cute raw sila sa bagets.

Beauty GonzalesMatatandaang nasulat na namin na malakas din ang Dream Dad sa Los Angeles nang magtungo roon last December at gusto nga ng mga kababayan nating Pinoy na mag-show doon sina Zanjoe at Baby.

Speaking of Baby, base sa umeereng kuwento ng Dream Dad ay hindi na matutuloy ang pag-ampon ni Baste (Zanjoe) kay Baby kaya babalik ang bagets sa orphanage.

Kaya balik na naman sa pagiging malungkot si Baste na sobrang apektado sa nangyari dahil nga itinuring na niyang anak talaga si Baby at gayundin ang bata na itinuring na siyang ‘dad’ bukod sa pagtawag nito ng president.

Metro

Angat Buhay, nakikipagtulungan sa rescue operations sa NCR

Ipapakita rin ang birthday celebration ni Ms. Gloria Diaz bilang si Nenita at ang tanging wish niya ay matuloy na ang adoption ni Baby.

Samantala, ang love-interest cum secretary ni Baste na si Beauty sa karakter na Alex ay magbabago ng imahe as in ikagugulat ng televiewers dahil total make-over na para hindi na maging manang look.

In fairness nakita namin si Beauty kamakailan, ang ganda nga niya, super sexy at flawless, huwag lang siyang magsasalita, ha-ha-ha.