KINUMPIRMA ng isang source namin na may matinding tampuhan ngayon ang isang premyadong aktres at ang boyfriend nitong mas bata sa kanya.

Ayun sa sa source namin na malapit sa aktres ay selos ang dahilan ng lovers’ quarrel ng dalawa.

Kung noong una ay okey lang sa aktres at hindi niya minasama ang mga kaibigang babae ng kanyang boyfriend at pati na sa text messages ng boylet niya ay hindi nakikialam ang kilalang aktres, lately ay wala nang maitagong sekreto ang boyfriend sa kanya.

Lahat daw kasi ng text messages at pati na ang Facebook at Instagram ng boylet niya ay pinakikialaman na ngayon ng aktres.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Kaya nga raw nabuko ni Aktres ang mga ipinadalang mensahe sa magandang girl na madalas ka-Facebook ng kasintahan. At ang magandang girl ay kaedad lang ng kanyang boylet. Kaya biglang sinita ni Aktres si Boyfriend, huh!

Ang ending, hindi na nag-uusap ang dalawa, huh! Tampororot unlimited ang drama nila ngayon.