Labing-apat na pasahero ng van ang namatay makaraang banggain ang kanilang sinasakyan ng isang truck nang makatulugan ng driver ng huli ang pagmamaneho sa Barangay Sinawilan, Matanao, Davao del Sur, noong Linggo ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Matanao Municipal Police, tatlo sa mga biktima ang agad na nasawi sa aksidente habang ang 11 ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Agad namang sumuko sa pulisya si Julius Generale, 44, driver ng truck (GGB-434), ng Bansalan, Davao del Sur.

Tanging ang driver ng GT Express service van na si Roy Lobrego, taga-Kabacan, North Cotabato, ang kinilala ng pulisya sa mga napatay habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na nangyari ang insidente dakong 3:20 ng hapon.

Binabaybay ng van ang national highway ng Bgy. Sinawilan nang makasalubong nito ang humaharurot na truck mula sa kabilang kalsada pero dire-diretso nitong sinalpok ang van.

Nagkalasug-lasog ang van sa banggaan at kasalukuyan pang nagiimbestiga ang awtoridad.