HONG KONG (AFP) – Isang babae sa Hong Kong ang napatunayang nagkasala noong Martes sa pang-aabuso sa kanyang Indonesian maid, sa kaso na naging laman ng mga balita at ikinagalit ng mundo.

“You are remanded in custody,” sabi ni Judge Amanda Woodcock kay Law Wan-tung, matapos ianunsiyo sa siksikang korte na ang 44-anyos ay napatunayang nagkasala ng 18 sa 20 kasong isinampa laban sa kanya, kabilang ang grievous bodily harm at criminal intimidation.

“I am sure she was telling the truth,” sabi ni Woodcock, tinutukoy ang dating empleado ni Law na si Erwiana Sulistyaningsih, na sinabi sa korte na siya ay pinahirapan ni Law.

Ang mga kaso ay kinabibilangan ng grievous bodily harm with intent, assault, criminal intimidation at failure to pay wages.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho