Sinabi ng Singapore police noong Lunes na iniimbestigahan nila ang mga larawan sa Facebook na nagpapakita ng mga bala at binabanggit ang prime minister ng city-state, na ipinagmamalaki ang kanyang katatagan at seguridad.

“Police confirm reports have been lodged and investigations are ongoing,” sinabi ng tagapagsalita ng Singapore Police Force sa AFP nang hindi nagbibigay ng detalye tungkol sa mga post na naka-tag kay Prime Minister Lee Hsien Loong.

Ang mga ganitong uri ng death threats online laban sa mga lider ay bibihira sa Singapore, na itinuturing na isa sa world’s safest societies, at mayroong istriktong batas sa gun control.

Isang post sa Facebook page na “GM Pheonix” noong Biyernes ng gabi ang nagpapakita sa litrato ng isang bala na nakalagay sa camouflage fabric na may caption na: “Lee Hsien Loong let’s play a game. Find me if you can coz this bullet will go through your head soon.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I forgot something. There’s a guy wearing black hoodie just left a bomb at Changi Airport not sure which bag,” dagdag ng post.

Ang ikalawang post noong Sabado ng gabi ay nagpapakita ng litrato ng dalawang bala sa isang magazine. Ito ay may caption na: “Lee Hsien Loong.. everyone deserves a second chance.”

Noong Linggo, ang ikatlong post ay nagpapakita ng screengrab ng isang notice na ang page ay isinumbong na sa Facebook dahil sa pagsusulong ng pagbebenta ng baril, at ipinababatid sa grupo na ang kanyang audience ay limitado sa mga 18-anyos pataas. Ang komento ng GM Pheonix sa post ay mababasang “Lmao”.

Gayunman, ang tatlong posts, na ikinabit sa official Facebook account ni Lee, ay masisilip pa rin sa GM Pheonix page noong Lunes ng tanghali.

Sa ilalim ng Singapore’s Arms Offences Act, ang sino mang mahahatulanng nag-iingat ng baril o mga bala ay makukulong ng lima hanggang 10 taon, at tatanggap ng anim na hagupit ng latigo.

Ang mga mapatutunayang nagkasala sa paggamit ng illegal firearm ay nahaharap sa death penalty.