ROME (AP) — Pinag-iisipan ng mayor at mga opisyal ng Rome ang pagkakaroon ng “red light” district upang protektahan ang mga prostitute sa pag-aabuso at ang mga pamilya sa kahihiyan.

Legal ang prostitusyon sa Italy, at ang mga nagtatrabaho rito ay karaniwang makikita sa mga lansangan ng Rome at marami pang lungsod sa bansa.

Sinabi ni Mayor Ignazio Marino sa state TV RAINews24 noong Linggo na layunin nitong magkaroon ng “balance” sa pagtukoy sa mga lugar, gaya ng mga parke na pasyalan ng mga bata at pamilya, na hindi pahihintulutan ang prostitusyon, at sa pagtatalaga ng mga kalye kung saan ito maaari.

Ilegal ang exploitation ng prostitution, gayundin ang pagbabayad para makatalik ang isang menor de edad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists