Lee & Pokwang

KINUMPIRMA ni Pokwang sa KrisTV na may relasyon na sila ng American actor na si Lee O’Brien, na naging leading man niya sa katatapos lang na ipalabas na pelikulang Edsa Woolworth.

Dalangin ng comedienne/actress na si Lee na Mr. Right ng kanyang buhay.

“Saka bukod sa ipinagdarasal ko ngayon, siyempre mag-thank you ka, eh, sana ito na nga,” pag-amin ni Pokwang kay Kris Aquino.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Sana ito na, tama na ‘yung ano, Lord, sana ito na po,” kinikilig pa niyang sabi.

Kinumpirma ni Pokwang na they became a couple nito lang nakaraang January 20 pagkatapos nilang magpunta sa Boracay.

“Dumating at bonggang promo, (premiere night) ‘tapos nag-Boracay. ‘Tapos three days after bumalik ng Manila, ‘yun na, nagkasarinlan kaming dalawa, may quality time para mag-usap kung ano ba tayo, ano talaga,” sabi pa ni Pokwang.

Siyempre pa, sa kanilang private talk sa Boracay, siniguro ni Pokie kay Lee na ayaw niyang may kaagaw. Na siya lang at wala nang iba pa sa buhay ng American actor.

“Mahirap, baka mamaya... hindi ba mahirap na ako lang ‘yung in love? ‘Tapos doon ko nalaman, sinabi niya na alam mo ba first shooting day pa lang mayroon na siyang keme (feelings for me). Sinabi ko, ano tayo? ‘Tapos hinalikan niya ako, ‘tapos sinabi niya gusto niya ako, masaya siya kapag nakikita niya ako, kapag magkasama kami, ‘yun ‘yon,” natatawang kuwento pa niya kay Kris.

Nakabalik na ng Amerika si Lee na nangako sa kanya na babalik sa Manila sa April in time for summer vacation sa ating bansa at para makapiling muli ang komedyana..

Bilang single mother, naikuwento na niya sa anak na si Ria Mhae ang ugnayan nila ni Lee .

“Actually nahirapan ako kay bagets. ‘Paano ba ito?’ ‘Yun pala naghihintay lang siya na magsabi ako pero okay naman sa kanya,” tawa nang tawang kuwento pa ni Pokie.

Payag siyang maging Mrs. O’ Brien at tumira na sa Amerika with Lee.

“Siguro... ‘tsaka dream din ni Mae na mag-work abroad” pagtatapos niya.