Joseph Yeo of Ginebra (light) vs Chris Lutz of San Miguel (dark).

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Meralco vs. Rain or Shine

7 p.m. Globalport vs. Alaska

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Mapatatag ang pagsosolo sa pamumuno ang tatangkain maisakatuparan ng Meralco sa pakikipagtuos sa Rain or Shine sa pagpapatuloy ngayon ng elimination round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa 3-way tie sa kasalukuyan sa liderato ang Bolts, Barako Bull at Purefoods Hot Star na pawang nagtataglay ng 3-0 marka.

Sa kabilang dako, nasa ikalawang posisyon naman ang Elasto Painters na taglay ang barahang 2-1 (panalo-talo) kasama ang Talk ‘N Text Tropang Texters.

Huling naging biktima ng Bolts ang Tropang Texters noong nakaraang Pebrero 4 sa 91-83 panalo habang galing naman ang Elasto Painters sa dalawang sunod na panalo, ang pinakahuli ay kontra sa Globalport noong nakaraang Pebrero 6, 104-98, matapos mabigo sa una nilang laban sa kamay ng Tropang Texters.

Gaya ng una nilang panalo, muling sasandigan ng Bolts ang import na si Joshua Davis na ayon sa kanilang local hotshot na si Gary David ay siyang naging susi sa kanilang naitalang franchise best start.

“Talagang nakukuha namin sa kanya (Davis) ‘yung energy kasi kita nyo naman, grabe ang ginagawa niya sa laro saka ‘yung energy niya at intimidation sa gitna napapaiba niya ang tira ng kalaban,” ani David kasunod ng kanilang ikatlong sunod na panalo.

Bukod kay Davis at David na nagkaroon rin ng malaking improvement sa kanyang laro sa tulong ng head coach na si Norman Black, aasahan din ng Meralco para mapanatiling walang bahid ang kanilang imahe sina John Wilson, Cliff Hodge, Sean Anthopny at Reynel Hugnatan.

Ngunit malaking hamon para sa ipinagmamalaking bagong sandata ng Bolts, ang kanilang depensa, sasabak ang Elasto Painters na mataas din ang morale kasunod sa natamong dalawang dikit na tagumpay sa pangunguna nina Paul Lee at import Rick Jackson.

Sa pagkakataong nito, inaasahan ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na malapit na nilang makuha ang kanilang usual na laro na di gaya ng nauna nilang tatlong laban kung saan ay aminado ito na nangangapa pa rin sila, partikular sa kanilang execution.

“We’re still not 100 percent after three games,” ani Guiao. “I feel we’re still struggling with our execution. And we are not able to sustain our defensive energy during the course of the game,” pahayag nito matapos ang huling panalo laban sa Batang Pier.

Samantala, sa tampok na laro, maghahabol naman upang makabangon sa natamong ikalawang kabiguan ang Batang Pier na kasalukuyang hawak ang 1-2 marka. Una nang natalo ang Batang Pier, haharap ngayon sa Alaska Aces sa ganap na alas-7:00 ng gabi, sa RoS kamakailan. Hangad ng koponan na madugtungan ang natamong unang panalo laban sa NLEX (96-95).