Upang mabigyan ng kalinga ang mga taong may Orphan disease o may kakaiba ngunit nakamamatay na sakit, itataguyod ng Philippine Society for Orphan Disorders Inc. o PSOD ang ‘Seasons of Love’ isang fund raising concert sa Teatrino Theater sa Promenade, Greenhills, San Juan City sa Pebrero 12.

“Day by day, hand in hand, we can give hope,” pahayag ni Ms. Cynthia K. Magdaraog, pangulo ng PSOD at binanggit na tampok sa konsiyerto ang classical pop trio na Angelos tenor na sina George Sison Tagle, Rei Paolo Libiran at John Louie V. Abaigar.

Upang maisulong ang malawakang awareness campaign sa Orphan diseases, itataguyod din ng PSOD ang ‘Run for Rare’ sa Greenfield City, Sta. Rosa, Laguna sa Pebrero 22.

Ayon kay Magdaraog na 1 kada 20,000 Pinoy ang may sakit na kakaiba o Orphan disorder, na may 80 porsyentong mortality rate bago mag-ikalimang taon ang bata. Dahil dito, aniya, mahalaga na sumailalim sa newborn screening ang bata upang matukoy agad ang sakit mula sa magulang.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!