Gerald and Kim Chiu

HIYAWAN ang entertainment press nang makita na magkasamang sumasayaw sina Gerald Anderson at Kim Chiu para sa throwback dance na sumikat noong early 2000s sa special presscon ng ASAP 20, kitang-kita kasing may kilig pa ang tambalan nila.

Sayang, Bossing DMB, hindi mo napanood, nakakatuwa sina Kim at Gerald, parang sila pa rin ang magka-love team.

Supposedly, kasama si Rayver Cruz sa production number nina Kim at Gerald pero hindi pumuwede dahil maysakit ito kaya’t ang Kimerald lang ang sumayaw na naging highlight sa presscon.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Kaya ang tanong sa kanila ng entertainment press, kung na-miss nilang sumayaw na magkasama.

“Oo nga po, naging throwback ‘yung kanta, throwback din ‘yung love team, ganu’n po mag-isip ang ASAP, eh,” masayang sabi ni Kim.

Kaya ang hiling ng lahat ay magkaroon ng throwback dance move segment ang Kimerald sa ASAP, at, “okay lang naman po,” sabi ng dalaga.

Hayan, ASAP executives maganda ang feedback sa muling tambalan nina Kim at Gerald sa throwback dance, i-try n’yo lang, tiyak na super click ‘yan.

Samantala, naging sport naman si Xian Lim na katambal ngayon ni Kim habang pinupuri ang production number ng Kimerald. Nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya, “Okay lang naman po, wala namang kaso,” sabi niya.

(Paano ‘yan kung pati feelings mag-throwback din, Reggee, ha? --DMB)