Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na may naganap na paglabag sa karapatang pantao at international humanitarian law sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 police commando ang napatay noong Enero 25.

Ito ang ideneklara ni CHR Chairperson Loretta Ann Rosales matapos magtungo sa Cotabato City at Mamasapano noong Pebrero 3 hanggang 5 upang magsagawa ng imbestigasyon sa naganap na bakbakan ng Philippine National Police-Special Action Force at mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

Matapos ang konsultasyon sa iba’t ibang stakeholder, sinabi ni Rosales na itutuloy ng CHR ang hiwalay na imbestigasyon sa pakikipagtulungan ng Regional Human Rights Office (RHRO) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Iginiit ni Rosales na hindi dapat maging balakid ang mga pulitiko na nais makisawsaw lamang sa isyu upang “magpapogi” para sa May 2016 elections.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Aniya, mahalagang maungkat ang katotohanan sa pagkakapatay ng 44 tauhan ng PNP-SAF upang mapairal ang hustisya at kapayapaan sa Mindanao.

Inatasan din ng CHR chief ang RHRO na tiyakin na ang resulta ng imbestigasyon ay naayon sa pinakamataas na antas ng human rights monitoring standards upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan sa Mamasapano.