Mas paiigtingin ng provincial government ng Cagayan Valley ang lahat ng makakaya upang makapasa ang itinayong Cagayan Sports Complex na nagkakahalaga ng P1B hinggil sa kanilang layunin na maging punong-abala sa prestihiyosong 2016 Palarong Pambansa.

“It has been a long while since the Cagayanos witness high caliber competition,” sinabi ni Cagayan Governor Alvaro “Bong” Antonio sa pagbubukas noong Linggo ng State Colleges and Universities Athletics Association (SCUAA) National Olympics sa napakalawak na Cagayan Sports Complex.

“We really intend to bid for the Palarong Pambansa. We want to show that we have the best facilities in the entire country and be the bastion of sports activities in the region,” pahayag ni Antonio. “We involved and encourage everybody to participate in the hosting of this event, because we are not only projecting the Cagayan State University, gusto din namin ipakita kung ano ang sitwasyon sa Cagayan at Tuguegarao at sino ang totoong mga Cagayanos.”

Ipinagmalaki ni Antonio ang matatapos nang P400 milyong People’s Coliseum na matatagpuan sa loob mismo ng 10-ektaryang Cagayan Sports Complex kung saan ay magkakadikit ang iba’t ibang pasilidad ng sports na katabi mismo ng Olympic standard na track oval.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kinukumpleto na rin ang grandstand na nakapaligid mismo sa track oval na kayang okupahan ng 10,000 manonood. Hindi lamang ang mga laro sa track and field ang makikita sa grandstand kundi ang maging mga labanan sa volleyball, archery, basketball, lawn tennis at football na halos ilang hakbang lamang sa track oval.

“We expect that the complex will be finish by June,” giit ni Antonio. “By the time 2015 Palaro starts, we will be then ready to bid for the hosting of the Palaro next year. We are still half way with the construction of the facility but then hopefully with our new and modern facilities, we will be awarded the hosting of the Palaro.”

Nagmistula namang patikim ng Cagayan ang pagiging host ng 2015 SCUAA National Olympics upang ipamalas ang kakayahan nilang maging punong-abala sa 2016 Palaro kung saan ay dumating ang mga atleta at opisyales na mula sa 16 na rehiyon.

“We will expect a bigger preparation if we were awarded with the hosting of Palaro,” dagdag ni Antonio. “Everybody here in the province will surely be involved as we strived to be the bastion of sports activities. It is our way also of giving our very own athletes the chances and opportunities to participate in big meet,” saad nito.

Maliban sa grandstand, tinatapos din ang Olympics size touch pad na swimming pool habang nakaplano na rin ang pagtatayo ng dormitory type hotel at billeting quarters at maging ang lodging house para sa mga atleta at delegado ng bawat rehiyon.

“Malaki pa ang lote ng probinsiya na mapaglalagyan ng mga pasilidad kaya umaasa kami na hindi lamang Palaro kundi ang maging ng iba’t-ibang torneo ay maisasagawa ng probinsiya,” sambit ng 62-anyos na si Antonio na hangad nz putulin ang 33-taong paghihintay ng probinsiya upang muling maging host ng Palaro na ginanap pa noong 1949 at 1981.

Aarangkada sa Luzon ang Palaro sa susunod na taon kung saan ay makakaribal ng Cagayan Province ang Guinobatan, Albay (R-5), Lingayen, Pangasinan (R-1), Naga City, Camarines Sur (R-5), San Fernando, Pampanga (R-3) at ang Bocaue, Bulacan (R-3).