SAN PASCUAL, Batangas - Halos madurog ang mga buto ng isang 21-anyos na estudyante matapos maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo sa San Pascual, Batangas.

Dead on arrival sa Bauan General Hospital si Sariel De Guia.

Ayon sa report ni PO1 Romulo Pasia Jr., dakong 7:20 ng gabi nitong Pebrero 8, minamaneho ni De Guia ang itim na motorsiklo (DO-2634) nang mawalan siya ng kontrol sa sasakyan at mapatapon sa kalsadang sakop ng Barangay Poblacion.
National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol