NAKALIGTAS sa isang kalunos-lunos na aksidente si Bruce Jenner na naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang nakabunggo, kinumpirma ng Us Weekly. Nangyari ang aksidente sa Malibu, California, sa kahabaan ng Pacific Coast Highway noong Sabado, Pebrero 7.

Ipinakita sa mga larawan ang ama ng pamilya Kardashian-Jenner na nakatayo malapit sa tatlong nagkarambolang mga sasakyan habang nakikipag-usap sa alagad ng batas. Walang natamong pinsala ang dating Olympian, 65, na nakasuot ng casual na damit, at nakatali ang buhok na pinatungan ng baseball cap.

Naglabas ng pahayag ang sheriff ng Malibu Lost Hills sa Us kasunod ng aksidente. “At approximately 12:15pm [PST] there was an accident involving three vehicles on PCH, just east of Corral Canyon,” ayon sa pahayag. “Bruce Jenner was involved. We don’t know yet in what way he was involved, if he was a passenger or driver. There is one fatality.”

Sinabi ng mga awtoridad sa TMZ na nagboluntaryo si Jenner na magpakuha ng dugo para sa alcohol testing. Napabalitang hindi matulin ang patakbo ni Jenner at nasalpok ang babaeng biktima habang parating sa red light. Sumalpok umano ang babae sa ikaapat na sasakyan bago umabot sa traffic light.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Abala ang dating asawa ni Kris Jenner ngayon sa pagsasagawa ng kanyang sariling E! series na magpapalabas ng kanyang pagbabago mula sa pagiging lalaki hanggang maging babae. Ngayong linggo, ibinunyag ng ina nitong si Esther sa ilang panayam na siya ay “proud” sa naging desisyon ng anak.

Isa man sa mga sikat na stepchildren at anak ni Jenner — na sina Kim, Kourtney, Khloe, and Robert Kardashian, at Kendall and Kylie Jenner — ay wala pang inilalabas na komento tungkol sa aksidente maging sa social media.