IPINAKITA ang lahat ng naging hosts ng ASAP sa loob ng 20 years nitong pag-ere kasama siyempre si Dayanarra Torres na inakala ng lahat na surprise guest kasi nga ipinakikita siya sa teaser.

Paliwanag ng business unit head ng ASAP 20 na si Ms Joyce Liquicia, “Unfortunately, she answered last week lang, we’ve been trying to get in touch with her last year pa when we were in LA (Los Angeles, for a show), we were hoping na we can go there kasi she’s based in LA, kaya lang nagpalit siya ng manager.

“So ‘yung manager na kausap namin biglang nawala ‘tapos last week lang sumagot si Dayanarra, but she has a lot things to do and she want to be part of it (ASAP 20 celebration) kaya lang masyado na raw tight ‘yung schedule. So, we prepare something na lang for the anniversary.

Noong Pebrero 5 ang eksaktong anibersaryo ng ASAP, pero sa Pebrero 22 at sa Marso 1 mapapanood ang anniversary special ng ASAP sa Mall of Asian Arena.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Na sapantaha namin ay may VTR greetings si Dayanarra para sa selebrasyon.

Samantala, nakausap namin ang executive producer ng ASAP 20 na si Ms. Apples Salas-Segubience na apat na taon pa lang sa programa at aminadong sobra siyang na-challenge sa unang buwan niya.

“Kasi po 2011 ‘yun, dinala namin ang ASAP sa Davao to reach the masa, eh, at that time, sobrang lakas ng ulan, kaya ang tanong, itutuloy ba namin ang show o hindi. Pero siyempre it’s a teamwork so itinuloy namin para sa Kapamilya natin sa Davao kasi ‘yung mga tao nandoon na, at as early as 6AM nasa venue na sila kaya nakakatuwa kasi ang aga nilang nakapila.

“Nagpe-perform ang mga artista namin naka-raincoat, nakapayong to reach out ang mga Davaoeños, sobrang overwhelmed na kami na ‘yung pagtitiyaga nila na mapanood ang stars namin kaya pinaghandaan talaga namin ang show,” kuwento ng TV exec sa amin.

Ang unforgettable o memorable experiences naman ni Ms. Apples bilang EP ng ASAP ay, “Sa tuwing mag-a-out of the country po kami kasi iyon po ‘yung pinaka-bonding moments naming lahat ng artista/staff, at saka ‘yung mga nasa abroad, we get to reach out din po sa kanila, lalo na OFW kasi kapag naririnig mo ‘yung kuwento ng buhay ng mga OFW, ang sarap gumawa ng show para sa kanila.

“’Yung makita nila ang artista na maski hindi pa nagpe-perform, sobrang saya nila, ibang klase ‘yung saya na nararamdaman nila.”

Tinanong din namin siya kung ano ang ginagawa nila sa mga artista nilang pasaway o lumalaki ang ulo at nagkakaproblema sa show.

“Honestly, wala namang major problem, minimal lang at hindi naman naiiwasan. Ang maganda sa artists namin, nakikinig at sumusunod at alam nila ang mali nila.

“Kasi alam naman nilang teamwork ito so walang pasaway na matindi. At wala rin kaming parusang ibinibigay or whatever ‘pag may mali,” sagot ni Ms. Apples.

Umaabot sa 60 ang artista ng ASAP linggu-linggo kaya mahirap isipin kung paano sila nabibigyan ng sapat na exposure sa loob lang ng tatlong oras.

Nasa 15 segments ang ASAP pero alternate naman ito kasi hindi kakayanin sa 3 oras lang.

Inamin din ni Ms Apples na ang ASAP ang isa sa moneymakers ng ABS-CBN sa rami ng ads at sponsors.

Ano pa ang ipapakita ng ASAP 20?

“Mas marami pa pong pasabog, abangan na lang po,” sabi ng TV executive.

Present sa ASAP 20 presscon sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Vina Morales, Zsa Zsa Padilla, Jericho Rosales, Gerald Anderson, Kim Chiu, Xian Lim, G-Force, Nash Aguas, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Marcelito Pomoy, Morisette Amon, Yeng Constantino, Alex Gonzaga, Nikki Gil, Robi Domingo, at Piolo Pascual. Maraming artists ang wala dahil may mga kanya-kanyang raket daw.