Dalawang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP), na kapwa akusado ni dating PNP chief Director General Avelino Razon Jr. sa maanomalyang maintenance contract ng V-150 light armored vehicles, ang pinayagang makapagpiyansa ng korte.

Kapwa nagpiyansa ng tig-P230,000 sina retired Deputy Director General Reynaldo Varilla at retired Director Charlemagne Alejandrino matapos aprubahan ng Sandiganbayan Fourth Division ang kanilang petisyon na makapaghain ng piyansa kaugnay sa mga kasong malversation through falsification na kanilang kinahaharap.

Base sa resolusyon ng korte, ipinagbayad nito sina Varilla at Alejandrino ng tig-P200,000 para sa kasong malversation habang ipinagbayad din ang mga ito ng tig-P30,000 para sa kasong graft.

Sa 10 dating opisyal ng PNP, sina Varilla at Alejandrino lamang ang pinayagang makapaghain ng piyansa.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ang walong iba pa na hindi pinagbigyan ng korte ay sina Razon, retired Director Geary Barias, Director Eliseo De la Paz, Senior Supt. Emmanuel Ojeda, Senior Supt. Ruel Leverne Labrado, Supt. Josefina Dumanew, at Chief Insp. Annalee Forro.

Hindi rin pinayagan ng korte na makapaglagak ng piyansa ay mga empleyado ng PNP na kinabibilangan nina Alex Barrameda, Nancy Basallo, Patricia Enaje, at Maria Teresa Narcise.