Isang batang babae ang gumagawa ng pangalan sa women's basketball at ito’y si Victoria "Tori" Madrigal.
Si Tori ay kasalukuyang naglalaro para sa International School Manila (ISM) sa the Fort.
Ayon sa kanyang coach na si Doug McQueen na naglalaro si Tori sa kahit anong anggulo kung saan ay may taas siya na 5-foot-6.
Sa ngayon, siya ang top player ng kanyang eskuwelahan na marami ring ligang sinasalihan, particular na ang Metro Manila Basketball League (MMBL), ISSA, Hardeman Cup, at ang international tournament na Interscholastic Association of Southeast Asian Schools (IASAS) kung saan ay anim na paaralan sa iba’t ibang bansa ang naglaban.
Ang 17-taon na si Tori ay nagsimulang maglaro may apat na taon na ang nakalipas at sa ngayon ay third year high school siya sa ISM.
Nagsimula siyang mag-tryout sa ISM high school basketball team at dahil sa kanyang angking galing ay agad siyang kinuha ni coach McQueen.
"At that point several years ago, I already saw in her so much potentials as a player and as the years passed on, she had become not only a star player but as the leader of the team, She just loves everyone in the team that she treats them all as sisters" sabi ni coach McQueen.
Sa kanyang batang edad, napasakamay na niya ang mga award sa kanyang paglalaro. Naging MVP sa ISSA noong 2013, MVP noong 2013 at 2014 sa Hardyman Cup kung saan ay nagkampeon ang ISM.
Naging Mythical 5 din siya sa IASAS tournament noong 2012, 2013 at 2014. Noong nakaraang taon, pumangalawa sa Singapore American School ang ISM at siya ang lumabas na top player sa buong liga.
Ang IASAS ay isang prestihiyosong international competition kasama ang Jakarta American School, Yaipeh American School, Singapore American School, International School Bangkok, International School Manila at International School Kuala Lumpur.
Sa statistics, maging sa rebounds, scoring, assists at blocks, madalas ay nasa top standing si Tori.
Sa ngayon pa lang, tatlong UAAP schools na ang nanliligaw sa kanya para sa kanilang college team subalit hindi pa ito nakapagdedesisyon.
Ang paboritong men's team ni Tori sa UAAP ay ang Ateneo kung saan nakakasama niya sa panonood ang kanyang ama na isang Ateneo alumnus na si Gerard.
Sa UAAP volleyball, paboritong manlalaro ni Tori si Alyssa Valdez, at sa NBA ay idol nito si Derick Rose.
Priority pa rin ni Tori ang makapagtapos ng pag-aaral, at sa ngayon ay wala raw siyang ginawa kundi and magsanay sa ISM, bukod pa sa masusing pag-aaral.
Matapos ang season sa 2015 MBBL, kung saan ay inaasahan na siya bilang MVP, magsasanay naman araw-araw si Tori kay coach Chris Gavina na trainer din ng maraming PBA player at basketball teams. Ito ay para naman sa kanyang physical conditioning at skills.
At sa hinaharap, inaasahan na si Tori ay magiging isa sa pinakamagaling na college players sa bansa.