NATIONAL Arts Month ang Pebrero. Layunin nito, batay sa Presidential Proclamation 683 noong 1941 ang hangaring pagbuklurin ang mga Pilipino bilang nagkakaisang lakas. Bulaklak ang simbolo at opisyal na logo ng pagdiriwang ng Nationalk Arts Month.

Nagmula ito sa tradisyunal na “Ukkil” ng mga taga-Sulu. Ang gumawa ng disenyo ay sina Pandy Avlado at Paewee Roldan. Ang bulaklak ay sumasagisag sa pamumukadkad ng pambnsang sining. Laging nakikipagtulungan ang National Commision Culture and the Arts (NCCA) upang maisaktuparan ang pagdiiriwang. Nakikipag-ugnayan din ang NCCA sa ibang mga indibiduwal at organisasyong pangkultura at edukasyon tulad sa mga kolehiyo at unibersidad. Kalahok din sa mga gawain ang daan-daang alagad ng sining mula sa larangan ng arkitektua, sayaw, pelikula at visual arts upang maabot ang libu-libong tao mula sa iba’t ibang larangan ng buhay.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, gagawin sa lalawigan ng Rizal ang taunang Rizal Arts Festival. Ayon kay Nemiranda Jr. kilalang pintor iskultor, tampok sa okasyon ang isang art exhibit ng mga pintor at iskultor sa lalawigan ng Rizal. Magsisimula sa ngayong Lunes, Pebrero 9. at gagawin sa Event Center ng SM Taytay. Ang art exhibit na may pamagat na “Descendants” ay magtatampok ng may 200 art work ng mga pintor at iskultor sa iba’tibang bayan sa Rizal. Ngayong taon, ang Rizal Arts Festival ay nasa ikapitong taon na ng pagdiriwang. Ito ay hindi lamang para sa mga alagad ng sining sa Rizal kundi maging sa mga artist sa Metro Manila at karatig lalawigan. Layunin ng Rizal Arts Festival na na gawing sentro ng sining ang Rizal.

Nakatakdang maging mga panauhin sa pagbubukas ng art exhibit sina Rizal Governor Rebecca Nini Ynares, Taytay mayor Janet de Leon Mercado at ang First Lady ng Antipolo na si Gng. Andeng Bautista Ynares, ang honorary chairperson ng Rizal Arts Festival. Inanyayahan din sa art exhibit si Department of Tourism Calabarzon Direktor Rebecca Labid. Bukod sa art exhibit sa Event Center ng SM Taytay bahagi rin ng Rizal Arts Festival ang isa pang pagtatangahal sining Pebrero 13. Bubuksan ang art exhibit sa Angono Ateliers Gallery sa Barangay San Roque, Angono, Rizal.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon