Isang “resignation cake” ang iniregalo ng ilang militanteng grupo sa ika-55 kaarawan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kahapon.

Ang regalo ay ibinigay ng mga grupong Anakbayan at League of Filipino Students (LFS) sa protestang idinaos nila sa Mendiola dakong 10:00 ng umaga kahapon.

Nakasulat ang “Noynoy Resign Now!” sa isang mock cake na gawa sa karton na pininturahan ng grupo.

Hinihiling ng grupo na magbitiw na sa tungkulin si PNoy kasunod ng palpak na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) nitong Enero 25.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

“At 55, Aquino is old enough to know that he is responsible for the Mamasapano encounter. He was there on the command center when the encounter happened, yet he continues to dodge accountability for the event,” sabi ni Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo.