Umaasa si Senator Grace Poe na magkakaroon na ng linaw ang pagkamatay ng 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao sa pagsisimula ngayong Lunes ng pagdinig ng Senado sa kaso.

Kabilang sa mga darating si PO2 Christopher Lalan, isa sa mga survivor sa madugong engkuwentro; at si Supt. Raymond Train, opisyal ng SAF.

Ayon sa tanggapan ni Poe, dadalo rin sa pagdinig si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at si acting PNP Chief Deputy Director Gen. Leonardo Espina.

Wala pa ring linaw kung dadalo sa pandinig ang nagbitiw sa tungkulin na si PNP chief Director Gen. Alan Purisima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang din sa mga inimbita sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Sec. Yasmin Busran-Lao ng National Commission on Muslim Filipinos, Justice Secretary Leila de Lima, B/Gen. Manolito Orense, chairman ng Ad-Hoc Joint Action Group; Major Carlos Sol, GHP Secretariat; B/Gen. Carlito Galvez, Prof. Miriam Coroner-Ferrer, chairman ng Peace Negotiating Panel; Usec Natalio Ecarma; Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hattaman; Mamasapano Mayor Dati Tahirudin Benzar Ampatuan; dating SAF commander Chief Supt. Getulio Napeñas; SAF OIC Chief Supt. Noli Taliño; Chief Supt. Noel delos Reyes; at Senior Supt. Rodelio Jocson.

Imbitado rin sina Major General Edmundo Pangilnan, Gen. Pio Catapang at Lt. Gen. Rustico Guerrero mula naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang imbestigasyon ay isa sa walong ikinasa para magkaroon ng linaw ang sagupaan sa Maguindanao nitong Enero 25, 2015.