luis manzano

NAPADAAN kami sa dry-run para sa magbabalik-ereng Deal or No Deal sa studio 2  ng ABS-CBN. As expected, si Luis Manzano muli ang tatayong solo host ng show, taliwas sa naunang kumalat na isyung makakatuwang niya ang amang si Edu Manzano na bali-balitang magbabalik-Kapamilya na.

Namataan namin sa loob ng studio ang napakaraming Kapamilya stars gaya nina Yam Concepcion, Baron Geisler, Matt Evans, Yeng Santos, Dominique Roque at marami pang iba na isa-isang nilapitan at binati ni Luis.

Ayon sa production staff na nakausap namin, wala pang napipili sa stars na dumating para sumalang sa pilot episode na mapapanood na ngayong araw, Lunes. 

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Ginagamay lamang ng celebrities na naroroon kung paano lalaruin ang “tawaran portion” with Luis with the usual 24K ladies para hindi na sila mangapa kung nakatoka na silang maglaro sa show.

Sa same source din namin nalaman na sa Family Feud isasalang si Edu kapag tuluyan nang maaayos ang usapan para i-franchise ng ABS-CBN ang nasabing programa sa bansa.

Tiyak na aabangan ang DOND at Family Feud ng mga  madlang pipol na adik sa mga pakikipagsapalaran para manalo gaya ng The Price Is Right dati ni Kris Aquino at Game Ka Na Ba? na pinagpasahan nina Edu at Kris.