Mga laro ngayon:(San Juan Arena)

2 pm Cebuana Lhuillier vs. Cagayan Valley

4 pm Cafe France vs. Hapee

Ganap na maitakda ang kanilang pagtutuos sa kampeonato ang tatangkain ng Cebuana Lhuillier at Hapee sa pakikipagtipan sa kanilang mga katunggali sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D-League Aspirant’s Cup sa San Juan Arena.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Target ng No. 4 seed na Gems na makumpleto ang unang malaking upset sa liga sa hangad na masundan ang naitala nilang 89-85 panalo sa una nilang labanan sa semifinals.

Ngunit hindi isinasantabi ni Gems coach Boysie Zamar ang kapasidad ng Rising Suns na makabalik at bumawi sa susunod na laro.

Katunayan, sinuwerte lang aniya sila dahil nakapagtala sila ng 26 puntos na kalamangan ( 37-11) sa first half at kinapos ang Cagayan sa oras ngunit ang katotohanang naidikit nito ang iskor sa 85-88, ay patunay lamang kung gaano sila kalakas.

“This is the semifinals and Cagayan is 11-0 in the eliminations, I’m sure they can make a comeback anytime,” pahayag ni Zamar.

Ganito rin halos ang iniisip ni Hapee coach Ronnie Magsanoc sa kabila ng kanilang bentaheng taglay kontra sa Cafe France.

Aniya, napatunayan na ng Bakers na kaya nilang makabalik mula sa malaking pagkatalo nang makabawi Ito sa kabiguang natamo sa Bread Story sa nakaraang playoffs para makausad sa Final Four.

“ I told the boys that we knew what Cafe France is capable of doing so we should not be complacent,” ani Magsanoc.

Gaya ng dati, muling aasahan ni Zamar para pangunahan ang Gems sina Simon Enciso, ang anak na si Paul Zamar, Allan Mangahas, Norbert Torres, at Kevin Ferrer.

Sa kabilang panig, kumpiyansang makakaya nilang tumabla at makapuwersa ng winner-take-all sa Game Three at inaasahan namang mangunguna para sa pagbawi ng Rising Suns sina Moala Tautuaa, Abel Galliguez, Don Trollano, Ali Austria at Eric Salamat.

Samantala, maghahanap naman ng paraan si coach Egay Macaraya kung paano pipigilan ang star- studded roster ng Fresh Fighters na pinamumunuan ni dating league MVP Garvo Lanete, dating UAAP 2- time MVP Bobby Ray Parks, NCAA reigning MVP Scottie Thompson at mga beteranong sina Kirk Long, Art dela Cruz, Troy Rosario at Baser Amer.