KRIS Aquino

KAHIT na birthday niya noong Huwebes, February 5, ay walang kapagurang nilagari ni Martin Nievera ang iba’t ibang TV programs para i-promote ang kanyang Valentine concert titled Ultimate sa Feb. 13 at 14 sa MOA arena.

Tamang-tama ang pamagat na “ultimate” dahil sa bigat ng casting na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Lani Misalucha at Regine Velasquez. Maituturing itong once in a lifetime experience na baka hindi na maulit pa.

Special guest si Martin sa KrisTV noong mismong kaarawan niya. Naroon din sina Erik Santos, Kim Chiu at Michael Pangilinan na lahat ay may ipina-plug ding Valentine shows.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

May inihandang birthday cake para kay Martin na may sinding isang kandila. Para sa hindi nakakaalam ay may twin sister si Martin named Vickie na matapos manirahan sa ibang bansa ay bumalik na sa Pilipinas for good. Noong nagsisimula pa lamang si Martin sa recording industry ay si Vickie ang tumayong manager niya.

Inalam ni Kris Aquino kung ano ang birthday wish ni Martin at ito ang kanyang naging pahayag: “I am so blessed. I have a great family, great sons and a good career. I couldn’t ask for more. My wish ay para kay Krissy. I wish her good health and may she find true love because she is a beautiful person. She deserves every happiness in the world.”

Maluha-luhang pinasalamatan ni Kris si Martin. Ganito rin siguro ang hangarin ng marami para kay Kris, na magdiriwang naman ng kanyang kaarawan sa Araw ng mga Puso.