Richard Yap

NAKATAKDA sanang magsama sina Ai Ai delas Alas at Richard Yap sa pre-Valentine concert titled Ai Heart U Papa sa February 12. In fact, last month pa nagsimula ang all-out promo para sa pagsasama ng dalawa, kabilang na ang giant posters and billboards along EDSA pero biglang pumutok ang balita na nag-pull-out si Papa Chen.

Kaya sa panayam kay Ai Ai, agad niyang kinumpirma ang pag-atras ni Richard dahil sa pagkakaroon ng problema sa parte nito at kung sino ang pumalit dito. 

“Iba nang mga papa ang guest, sina JC de Vera and Aljur Abrenica and ang aking talent na si Sancho Vito at si Sofia in a very special participation and guest (appearance),” aniya.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Sa hiwalay namang pahayag ni Richard, inamin nitong nagkausap na sila ni Ai Ai ukol dito  at wala silang samaan ng loob..

“Between Ai Ai and I, there is nothing wrong. It’s  technical issue between the producer of the show. Walang diprensya sa amin ni Ai Ai. There will always be another time. Okay lang naman,” sabi ng tsinitong aktor.

Kaya may pahatid na mensahe si Richard sa kanyang disappointed fans na gusto sana siyang mapanood with Ai Ai.

“We are really very sorry na nangyari ito. Ano… it’s something that is unavoidable, it’s beyond our control. So hopefully next time matuloy na ang show namin. Pero as of now, hindi na talaga kaya na sumali pa kami doon sa show nila Ms. Ai so I wish her the best of luck sa show,” malungkot na sabi ni Richard.

The show must go on, ‘ika  nga, kaya tuloy ang Ai Heart Papa Valentine show sa Solaire Resort and Casino sa direksiyon ni GB Sampedro.