Posibleng humiram ang gobyerno ng malaking halaga upang maisakatuparan ang P54-bilyon equity value buy out (EVBO) ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 bago magtapos ang termino ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa 2016.

Ayon kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Undersecretary Jose Perpetuo, ikinokonsidera ng gobyerno na kumuha ng loan mula sa mga lokal na bangko upang maipatupad ang EVBO base sa direktiba ni Pangulong Aquino noong 2013.

Aniya, dapat na may kaukulang permiso mula sa Monetary Board ang loan bago ito gamitin ng anumang ahensiya ng gobyerno.

“Kung tayo ay uutang, dapat itong aprubahan muna,” pahayag ni Perpetuo sa panayam matapos lagdaan ang integration agreement ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) noong nakaraang linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“If you borrow as a government entity, the normal process is that there has to be a Monetary Board approval. [But] there has to be a decision first that we’ll go this way, then we’ll get the approvals,” paliwanag ng opisyal.

Iginiit din ni Perpetuo na kasalukuyan pa ring tinatalakay ng mga opisyal ng DOTC ang pagkuha ng malaking halaga ng loan bago makagawa ng rekomendasyon ang kagarawan na isusumite kay Pangulong Aquino.

Subalit kung nakapagdesisyon na ang gobyerno sa pagkuha ng loan upang maipatupad ang EVBO, sinabi ni Lotilla na maaaring umutang sa mga lokal na bangko dahil sobrang laking halaga ang P53.9 bilyon para sa transaksiyon sa pagbili at pag-take over sa MRT 3.

Ikinokonsidera rin ng DoTC ang isang panukala ng Metro Rail Transit Holdings (MRTH), ang may-ari ng MRTC, na gumamit ng pribadong pondo sa rehabilitasyon ng rail system bilang kapalit ng pagpapalawig sa 15-taong concession.