Nabuo na bilang bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng international weather agencies na National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) at Joint Typhoon Warning Center (JTWC).

Ang nasabing bagyo, ayon sa dalawang weather agency, ay posible pang lumakas habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa pagtaya ng dalawang ahensiya, posible umanong mag-landfall ang nasabing tropical depression sa silangang bahagi ng Visayas.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Inihayag naman ng mga eksperto na maaari pa ring makapagpabago at makapagpahina sa nasabing bagyo ang iba pang weather system sa paligid ng PAR.

Ayon sa pa ulat, huling namataan ang bagyo sa layong 1,400 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Guam o nasa 3,000 kilometro sa silangan ng Visayas.

Kapag tuluyan nang pumasok sa bansa, ang bagyo ay tatawaging “Betty”, ang ikalawang tropical depression na mananalasa sa Pilipinas.