Sisimulan na ni Pangulong Benigno S. Aquino III ngayong linggo ang paghahanap ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa layuning maitaas ang morale ng pulisya kasunod ng trahedya sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na tatalakayin ng Pangulo kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pagpuno sa puwestong binakante ni dating PNP Chief Director Gen. Alan Purisima sa paghahanap ng isang tao na makapagpapatuloy sa mga reporma at sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad.

Nagbitiw sa tungkulin si Purisima nitong Huwebes sa harap ng mga ulat na siya ang nagmando sa palpak na operasyon ng Special Action Force (SAF) sa Maguindanao na ikinamatay ng 44 na police commando, sa kabila ng suspendido siya ng Office of the Ombudsman.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3