Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apo ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga makaraang maaktuhan sa pot session sa isang anti-drug operation sa Dasmariñas, Cavite.

Nakapiit na ngayon sa NBI detention facility si Harrel Barzaga, 39, at apat na iba pang kasama nito na nahuli sa akto habang nagpa-pot session sa Barzaga Compound sa Dasmariñas.

Sa ulat ng NBI, isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte, at nasamsam mula sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu at drug paraphernalia.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon