LIMANG mahahalagang ahensiya ng gobyerno ang nangangailangan ngayon ng permanenteng pinuno, hindi mga officer-in-charge (OIC) lang. Ito ang Department of Health (DOH), ang Philippine National Police (PNP), ang Commission on Elections (Comelec), ang Commission on Audit (COA), at ang Civil Service Commission (CSC). Sa limang ito, tatlo ang lumutang sa mga balita na may koneksiyon sa mahahalagang pambansang kaunlaran.
Ang secretaryship ng DOH ay nabakante dahil sa pagbibitiw sa tungkulin ni Secretary Enrique Ona noong Disyembrre na may koneksiyon sa isang imbestigasyon hinggil sa pagbili pneumonia vaccines. Ang OIC na si Secretary Janet Garin, na prominenteng laman ng balita nang siya at ang Armed Forces Chief of Staff ay bumisita sa UN Peacekeepers mula Liberia na naka-quarantine sa Caballo Island nang walang protective suits sa panahon ng Ebola scare. Anang Pangulo, papangalanan niya siya bilang permanentent secretary, ngunit hindi pa niya ito nagagawa.
Ang PNP chief, Director General Alan Purisima ay sinuspinde ng Ombudsman dahil sa kasong isinampa laban sa kanya na may koneksiyon sa hindi maipaliwanag na mga ari-arian. Kamakailan lang, prominente siya sa SAF 44 massacre probe nang nang pinangalanan siya bilang sangkot sa pagpaplano ng SAF operation na pumalpak, hindi ang PNP OIC na si Deputy Director Leonardo Espina.
Ang Comelec chairman na si Sixto Brillantes, na nakumpleto ang kanyang termino sa ahensiya noong Pebrero 2, ilang araw lang bago niya nilagdaan ang P300 milyong halaga ng kontrata sa Smartmatic sa kabila ng mga panawagang ihinto ang patuloy na pagkakasangkot ng Smartmatic sa halalan sa Pilipinas. Ang kontratang kanyang nilagdaan ay kinukuwestiyon ngayon sa Supreme Court.
Si Chairperson Maria Gracia Pulido Tan ng COA ay nagretiro noong Pebrero 2 matap os maglingkod ng mahigit tatlong taon sa administrasyong Aquino. Ginampanan niya ang mahalagang tungkulin ng paglalantad ng maling paggamit ng pork barrel funds ng ilang mambabatas.
Si Chairman Francisco Duque ng CSC ay nagretiro matapos ang 16 taon sa serbisyo publiko na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon.
Mahalaga ang lahat ng bakanteng posisyon, ngunit ang pinakamahalaga sa puntong ito ay ang PNP chief, sa harap ng isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay sa 44 SAF commando ng PNP. May panawagan para sa pagtatatag ng isang Truth Commission upang mag-imbestidga sa masaker, pati na sa paglabag sa chain of command dahil nakikipagkomunikasyon pa ang Pangulo sa suspendidong PNP Chief Purisima sa halip na kay OIC Espina.
Ang Pangulo, ating natanto, ay maraming bagay na iniisip sa panahon ngayon. Ngunit mahalaga ang mga posisyon sapagkat ang limang ito ay hindi dapat hayaang bakante nang matagal. Marami pa ang may kakayahan at disenteng tagapaglingkod na maaaring hakawan ang mga posisyong ito na katanggap-tanggap na karagdagan sa administrasyong Aquino.