YAOUNDÉ (AFP) – Kasama ng Nigeria ang apat pang bansa na nangakong magtatalaga ng 8,700 sundalo, pulis at sibilyan bilang bahagi ng pagsisikap ng rehiyon na labanan ang militanteng grupo ng Boko Haram.

“The representatives of Benin, Cameroon, Niger, Nigeria and Chad have announced contributions totalling 8,700 military personnel, police and civilians,” saad sa pahayag ng mga bansa matapos silang magpulong sa kabisera ng Cameroon, ang Yaoundé.

Inilabas ang pahayag kasunod ng tatlong-araw na summit na layuning bumuo ng puwersa na lilipol sa mga militanteng Islam, na nangunguna sa pagpapalubha sa anim na taoin nang insurhensiya sa hilaga-silangang Nigeria.

Subalit, hindi agarang maipatutupad ang napagkasunduang pagkilos ng mga bansa, dahil sa mga susunod na araw ay aayusin muna nila ang mga detalye sa magiging kontribusyon ng bawat bansa, kasama na ang usapin sa budget.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente