WASHINGTON (AP) – Binabawi ng Land Rover at Jaguar ang halos 104,000 sasakyan nito dahil umano sa mga problema sa preno at ilaw.

Ang pinakamalaking recall ay bunsod ng usapin sa brake-hose na pinag-aralan at pinasinungalingan ng Jaguar Land Rover North America, pero nabuhay na muli ang usapin matapos ang isang aksidente.

Naglabas na ng abiso ang National Highway Traffic Safety Administration tungkol sa recall noong Biyernes.

Iniulat ng safety agency na ang Jaguar Land Rover North America ay magpapabalik ng mahigit 74,648 Range Rover dahil ang isa o parehong brake hose ay maaaring mabutas at magresulta sa pagkawala ng braking fluid.

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara

Libre naman ang pagpapalit ng mga dealer ng Land Rover sa brake hose para sa mga modelong ginawa 2006 hanggang 2012.