LONDON (Reuters) – Sinabi ng World Health Organization (WHO) noong Huwebes na nababahala pa rin sila sa pagkalat ng MERS, isang respiratory disease na nanghawa at pumatay sa daan-daang katao, karamihan ay sa Saudi Arabia.
Sa update na inilabas matapos ang pagpupulong ng emergency committee nito sa Middle East Respiratory Syndrome, sinabi ng United Nations health agency na marami pa ang dapat gawin upang matunton ang virus, na nanghawa sa 965 katao, at 357 dito ay namatay.