Geneva (AFP)– Sinabi ni Stan Wawrinka ng Switzerland na magdedesisyon sila ni Roger Federer sa susunod na linggo kung lalahok o hindi sa first round tie ng Davis Cup sa Belgium.

"We're currently discussing it with Roger (Federer) and Severin (Luethi, captain)," ani Wawrinka noong Huwebes.

Inilagay ni Swiss Tennis Federation (STF) president Rene Stammbach ang tsansa na ang pares ay lalahok sa first round tie sa “below 25 percent.”

Tinulungan nina Wawrinka at Federer ang Switzerland na makopo ang kanilang unang titulo sa Davis Cup laban sa France noong Nobyembre. Bubuksan ng mga Swiss ang kanilang title defense laban sa Belgium sa Liege sa Marso 6-8.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"My objective for this season is to qualify for the London Masters. I know that I'm capable but I know how difficult it is," saad ni Wawrinka, na natalo sa semifinals ng Australian Open kay Novak Djokovic na kalaunan ay kinubra ang titulo.

Si Wawrinka, ang 2014 Australian Open champion, ay nalaglag mula ikaapat sa ikasiyam sa ATP rankings.

"Reaching the semi-finals remains something exceptional for me. After my victory at Chennai (India), it was an ideal month of January, I'm very positive concerning my current game," sabi ni Wawrinka.

Siya ay nagsalita sa paglulunsad ng bagong Geneva Open ATP tournament na papalit sa Duesseldorf ATP event na idaraos sa Mayo 17-23 bago ang French Open sa Roland Garros.