Ang outrage ay isang matinding disgusto o galit sa isang isyu. May tinatawag na godly outrage – makatuwirang galit. Ngunit ang emotional outrage ay nakabase sa emosyon sa halip na sa merito ng kaso.
Apatnapu’t apat na tauhan ng Special Action Force pinaslang. OUTRAGE. Ang fallen men na ito ay napaslang habang tumutupad ng tungkulin. Para sa taong may pakiramdam, ito talaga ang panganib ng kanilang trabaho. Ang mga lalaking ito ay sumupang tuparin ang kanilang tungkulin at tanggapin ang mga mapanganib na misyon na maaari nilang ikamatay. Ngayon, patay na sila. May kilala tayong mga sundalo sa Armed Forces of the Philippines ang inilipad pauwi sa kanilang mga tahanan matapos mapaslang sa labanan sa pagtamo ng kapayapaan sa Mindanao. Sayang na mga buhay ngunit kailangang gawin iyon at ang mga bayaning ito ay pinili ang tungkuling ito. Gayundin ang kanilang mga pamilya.
Dumalo si Pangulong Aquino sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi sa halip na abangan ang paglapag ng eroplano na naghatid sa Fallen 44. OUTRAGE. Kawalan ito ng pakiramdam base sa kulturang Pilipino. Sa pagkakataong ito, ang mga pader ng opensiba ay itinaas. Walang dahilan ang maaaring katanggap-tanggap. Para sa taong may pakiramdam, totoo ngang emosyonal ito. Kailangan nating maunawaan na ang Pangulo ay pinalaki sa Amerika kung saan at, mula sa pananaw ng isang Amerikano, hindi ito malaking isyu. Kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa ating pakiramdam.
Si Philippine National Police Director General Alan Purisima ang umano’y namuno sa misyon ng Fallen 44. OUTRAGE. Isipin na lamang ang isang suspendidong opisyal ang namuno sa isang maselang misyon nang hindi alam ng PNP Officer-in-Charge. Ang suspendidong hepe, na malapit na alalay ng Pangulo, ay nasa naturang misyon sa loob ng maraming buwan. Ang magpalit ng kabayo sa gitna ng karera ay hindi talaga pinapayo. Ang pananatiling lihim nito sa ilang nakatataas ay madalas na kailangan para maiwasan ang pagtagas ng impormasyon. O marahil iginigiit na ng panahon. Hindi ito huwaran pati na ang kawalan ng protocol at hindi pagsunod sa chain of command. Ngunit madalas na nangyayari ito rito at sa ibang bansa.
Sa mabigat na casualty ng 44 na may impormasyon na hiningi ang tulong at hindi ibinigay kahit mayroon naman ito. OUTRAGE. Mahinang koordinasyon at marahil hiwalay na kaharian at kanya-kanyang interes. Walang pagkakaisa sa diwa. Hindi tayo kasing galing ng mga Israeli at ng CIA sa ganitong uri ng trabaho. Ang pag-awit at pagsasayaw. Oo. Puwede tayong magpantasya palagi.
Nagbitiw sa tungkulin si Purisima at tinanggap iyon ni Pangulong Aquino. PEACE OFFERING. Tanggapin nawa natin ang peace offering na ito at umabante tayo. Nagkakaisa sa diwa, maaari nating ihatid ang ating bansa sa panahon ng kapayapaan at kasaganahan.