DALLAS (AP)- Hindi makababalik si Rajon Rondo bago ang All-Star break kung saan ay patuloy na nagpapagaling ang Dallas point guard mula sa pagkakapinsala ng kanyang orbital bone sa kanyang kaliwang mata.

Sinabi ng Mavericks kahapon na ‘di makikita sa aksiyon si Rondo sa nalalabing tatlong mga laro bago pa man ang break, magsisimula ngayon laban sa Portland. Mawawala rin siya sa loob ng korte kontra sa Los Angeles Clippers at Utah.

Nabali rin ang ilong ni Rondo nang matuhuran siya sa mukha ng kanyang sariling teammate na si Richard Jefferson habang tumatayo ang una at inaalis ang hita ni Orlando’s Elfrid Payton sa kaagahan ng laro noong Enero 31.

Sa loob ng 21 mga laro simula ng ma-trade sa Dallas mula sa Boston, si Rondo ay may average na 9.2 points at 6.5 assists kada laro.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador