Umalma si detained Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa naging kautusan ng Sandiganbayan na kumpiskahin ang aabot sa P224 milyong assets nito na pinaghihinalaang galing sa kontrobersyal na pork barrel fund nito.

Ayon kay Revilla, dismayado siya sa naging desisyon ng Sandiganbayan na samsamin ang mga ari-arian nito na aniya ay “bunga ng kanyang pinagpaguran at pagsisikap at hindi umano galing sa pork barrel scam”.

“Almost all of the properties they have attached were acquired long before I became senator. Even the fruits of my compensation from GMA 7 were attached,” paliwanag nito.

Binanggit din ng senador na pati ang kanilang ancestral home kung saan nakatira ang kanyang ama, ay saklaw ng nasabing kautusan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilinaw naman ng korte na pinagbatayan lamang nila ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng senador kung saan nakasaad ang assets nito.

Isinagawa rin ng hukuman ang pagtukoy sa mga ari-arian ni Revilla batay na rin sa lumabas sa imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ng Office of the Ombudsman na nagsawa rin ng lifestyle check laban kay Revilla.

Si Revilla ay kasalukuyang nakapiit sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame kaugnay ng kinakaharap na plunder at graft cases.