Nagkaloob ang Pilipinas ng P90 milyon para sa pandaigdigang paglaban sa Ebola outbreak, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Noong Pebrero 4, pinagtibay nina DFA Secretary Albert F. del Rosario at United Nations Resident at Humanitarian Coordinator, ad interim Terence D. Jones ang Standard Administrative Arrangement ng Pilipinas at United Nations Development Programme (UNDP) para sa ambag ng bansa sa Ebola Response Multi-Partner Trust Fund (MPTF).

Sinabi ni Del Rosario na tuloy ang pangako ng Pilipinas na umayuda sa Ebola outbreak response efforts at sa pagpigil sa mga epidemya sa hinaharap at ang P90-M kontribusyon ng bansa ay isang hakbang sa ganitong direksiyon.

“This is but one way for us to give back to the international community for the outpouring of support in the aftermath of Typhoon Haiyan and also part of our commitment to protect and promote the welfare of Filipinos overseas,” ani Del Rosario.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente