Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

3 pm Barako Bull vs. Kia Carnival

5:15 pm San Miguel Beer vs. Barangay Ginebra

Makasalo ang Purefoods at Meralco sa liderato ang tatangkain ng Barako Bull sa pagharap nila sa inspiradong Kia Carnival sa nakatakdang double header ngayon ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Target ng Energy Cola na mapasakamay ang ikatlong dikit na panalo sa pagtutuos nila ng Kia Carnival sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Bagamat maganda ang panimula, hindi isinasantabi ng Energy Cola ang malaking panalong naitala ng Kia kontra sa nakaraang taong conference champion na San Miguel Beer.

“That was big, (the win against San Miguel Beer) I’ m sure it will inspire them a lot,” pahayag ni coach Koy Banal.

Inaasahan ni Banal na magpapatuloy ang magandang larong ipinapakita ng kanilang koponan, partikular ang import na si Solomon Alabi.

Sa kabilang dako, muli namang sasandalan ng Carnival sina import PJ Torres at mga bagong recruit na sina Leo Avenido at Mark Yee.

Samantala, sa tampok na  laro, mag-uunahan namang makapagtala ng unang panalo ang magkapatid na San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa kanilang pagtatagpo sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Natalo ang Beermen sa nanorpresang Kia sa una nilang laban habang nabigo ang Kings sa unang dalawa nilang laro kontra sa Barako Bull at Meralco.