Buong yabang na ipinagmalaki ng pamosong promoter ni dating world heavyweight champion Muhammad Ali na si Don King na kung siya ang makikipagnegosasyon, bibigyan niya ng tig-$100 milyon sina WBC at WBA champion Floyd Mayweather Jr. at WBO titlist Manny Pacquiao para sa welterweight unification megabout.

Ayon kay King, may ilang pagkakamali ang mga promoter nina Mayweather at Pacquiao kaya nahihirapan silang magkasundo para matuloy ang sagupaang pinakahihintay ng boxing fans sa buong mundo.

“If I am in charge of the negotiations, Floyd Mayweather Jr. vs. Manny Pacquiao would have been finalized,” sabi ni King sa ESPN Deportes. “There was some big mistakes made during the ongoing discussions that I could easily have settled.”

Aminado si King na kahit interesado ang mga apisyonado sa boksing, nawawalan na ng kinang ang Pacquiao-Mayweather megabout dahil halos anim na taon na itong hinihintay na matuloy.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

“If I had been the promoter of that fight, it would have been made already. The fight is still interesting but it has lost some of its charm,” dagdag ni King. “It’s still an interesting fight, Floyd has not lost but Pacquiao has already had two losses, but that does not diminish it as an anticipated fight.”