Sa halip na ibigay sa sibilyan na nagbigay ng impormasyon ng kinaroroonan ng wanted na international terrorist, nanawagan ang malaking grupo ng netizens kay US President Barack Obama na direktang ibigay ang US$5 million pabuya sa mga naulila ng 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kaugnay ng pagkakapatay sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan,” sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ipinaskil ni Lei Asuque-Talyo ng San Mateo, Rizal sa global reform website na Change.org ang kanyang petisyon na humihiling na ipagkaloob sa pamilya ng mga nasawing pulis ang $5 million pabuya ng gobyerno ng Amerika laban kay Marwan at huwag na itong idaan sa gobyerno ng Pilipinas.

“Please do not give it to the Philippine government, we beg you,” pahayag ni Talyo sa Change.org.

“Though the money will never be enough to compensate for the loss of lives, but these heroes deserve every single cent of that reward,” dagdag ni Talyo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hanggang kahapon ng umaga ay umabot na sa 2,226 na netizen ang lumagda sa petisyon ni Talyo.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga komento sa naturang petisyon sa Change.org:

Susan Ada Veneracion Andrada ng San Mateo, Rizal: “Ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa kapakanan ng ating Inang Bayan kaya sa kanilang kamatayan na sanhi ng biglaang kawalan ng inaasahang ng kanilang mga mahal sa buhay, nararapat lamang na sa kanilang mga naiwan mapunta ang pabuyang inilaan sa pagkamatay ni Marwan.”

Jezreel Medina, Dagupan City: “Para sa mga nagbuwis ng buhay para sa ating lahat ay may maganda at tahimik na pamumuhay, nararapat lang ITO PARA SA INYO.”

Susan de Guzman, Quezon City: “They sacrificed their lives for us to capture Marwan… the tipsters should also be rewarded. They can all share as it is a big amount anyway…except the Philippine government!”